“Memories are the treasures that we keep locked deep within the storehouse of our souls, to keep our hearts warm when we are lonely.”– Becky Aligada

“Operating room…”

“Handa ka na ba, Imong?” panimula ni tatang Gener sa kanyang apo habang naghahanda ng tanghalian. “Kinakabahan pa rin po ako lolo, kailangan ko po ba talagang sumama sa kanila doon? Paano po kung hindi na ako makabalik?” Mangiyak-ngiyak nitong sambit habang mahigpit na nakakapit sa gilid ng kama. “Dyaskeng bata to! Ngayon ka pa nag-inarte ng ganyan? Eh kung nakikinig ka ba naman sa min palagi ng lola mo. Hindi mang-yayari ‘to.” Naiiling na katwiran ng matanda. “Alas onse na nang umaga, kelangan mo nang kumain Imong.” Painut-inot na naglakad si tatang Gener sa maliit ng kabinet sa tabi ng bintana, pagkabalik nito ay may tangan na itong plato at baso. Lumapit ito sa apo at isa-isang nilabas ang pagkain sa basket nitong dala. Maya-maya lang ay magkasalo na ang dalawa sa tanghalian habang nanonood ng paboritong palabas ni Imong sa telebisyon. Ilang saglit ang lumipas, mahihinang katok ang nakaagaw ng atensyon ng mag-lolo. Nagkatinginan ang dalawa at nakiramdam. Sa pagbukas ng pintuan, isang unipormadong babae ang pumasok at ngumiti. Pagkaakita ni Imong ang mga nasa kamay nito ay kinabahan agad siya – ang trey. Ibinaling nya ang kanyang tingin kay tatang Gener na humihingi ng pagtutol, bagama’t nakakunawa’y walang nagawa ang matanda kundi ang panoorin ang nangyayari. “‘Wag kang matakot Imong, hindi kita sasaktan. Heto, magpalit ka na nang damit. Babalik ako pagkatapos ng 15 minuto para ayusan ka.” sabi ng babaeng nakauniporme. Bagama’t wala sa loob, nagtungo si Imong sa banyo at para isuot ang damit. Sa kalagitnaan nang kanyang pagbibihis napatingin siya sa salaming nasa harapan niya. Pinag-aralan ang sariling refleksyon. Malungkot syang ngumiti at nagpakawala ng isang malalim na butong-hininga. Sa paglabas nya ay naghihintay na sa kanya ang unipormadong babae, nakangiti pa rin ito tulad kanina. Muli itong nagsalita pagkakita sa kanya. “Handa ka na ba? Akong bahala sa’yo. Maupo ka na para matapos agad tayo.” Lalong tumindi ang kabang naramdaman ni Imong, lalo pa at natanaw na niya ang laman ng trey na hawak nito. “Ipikit mo ang iyong mga mata at huminga ka nang malamin. Makakaramdam ka ng sakit pero normal lang iyon. Ipapayo ko rin na ‘wag kang masyadong magkikilos.” Patuloy nito. Nag-aalangang sumunod si Imong sa sinabi ng estrangera. Sa kanyang pagpikit, nakaramdam siya ng isang bagay na tumusok sa kanya.  “Masakit nga pero bakit ganito ang pakiramdam?”  tahimik nyang usal.

“Magaan ang aking pakiramdam ngayon, hindi katulad kanina na parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Para akong nakalutang… huh?! May mga boses akong nadidinig.  Hindi ko sila maintindihan”.Sinubukan nyang hanapin kung saan nagmumula ang mga maliliit na tinig na kanyang nadidinig ngunit mamaya’y isang malakas na pag-uga ang naramdaman nya.  “Lumilindol!” Bahagya lamang siyang nakakilos at nakapagmulat ng mata. “Saan na ako naroon?! Si lolo? Bakit hindi ko madinig ang boses nya?” Pinilit nyang panatilihing alerto ang isipan kahit nakakaramdam na sya ng pagkahilo. Sa muli nyang pagmulat ang tanging nakita niya ay ang nakakasilaw na liwanag. Ipinaling nya ang kanyang atensyon sa malamig na bagay na nakakabit sa kanyang kamay.

“Ano ito? Sipit?”

Natatawang pansin ni Imong sa asul na bagay na nakakabit sa kanyang daliri. Pati ang maliit na telebisyong kulay berde na puro guhit lang at numero ang lumalabas.

Tooot… tooot… tooot… tusss… tooot… tusss… tooot… tusss…
“Ano naman kaya yun? huh? Parang… bus na umaatras? Masyadong maliwanag..”

tooot… tusss… tooot… tusss…
Mula sa pintuang bilog, may pumasok na grupo ng mga nilalang na kulay berde at malalaki ang ulo. Mayroon din silang puti at malamig na mga kamay. At kakaiba ang kanilang lengwahe.  “Mga alien?! Ibinigay ako ni lolo sa mga nilalang na taga-ibang planeta!”
Mula sa kanyang pagkakahiga, naramdaman nya ang sapilitang paggalaw ng mga ito sa katawan nya. Kasunod nito ay ang pagtusok muli ng kung anong bagay sa kanyang likuran. Isang malamig na kamay ang lumapat sa kanyang balakang na tila may kinakapa at hinahanap na kung ano! Maya-maya pa ay naramdaman nyang muli ang matulis na bagay na bumaon sa kanyang laman.
“Na-nama…manhid ang katawan ko… A-ang mga anino.. Hindi ito mga tao!! Alien ang mga ito! B-ba-bakit du-dumi..dilim? S-ssii Loolllooo! tulungan mo ako! lolooooooooooo!!”

“Uuurrgghh..” mula sa mahabang pagkakatulog ay unti-unti ng nagkamalay si Imong.

“Gising ka na pala apo…” bagaman nanghihina pa si Imong ay agad nyang nakilala ang tinig na iyon. Si tatang Gener, nakaupo sa paanan ng kama habang inaayos ang kumot niya. “Lolo? ikaw na ba yan?” naiiyak na tanong ng apo. “Ano ba namang klaseng tanong yan?” Nagtatakang tanong ng matanda. Tuluyan ng napaiyak si Imong. Bagaman nagtataka ang matanda ay nilapitan pa rin nya ang apo at niyakap. “Parang ang tagal nating hindi nagkita ah? Kung makayakap ka apo, parang maghihiwalay na tayo.” Napangiti ang matanda sa nakita nyang reaksyon mula sa apo. “Ipangako mo lolo, hindi mo na ako ibibigay sa mga taga-ibang planeta! Hinding-hindi mo na ako pababayaan mapasama sa mga nilalang na yun! Tinusok nila ako, isinakay sa spaceship, inihiga sa kwarto napakaliwanag, nilagyan ng sipit ang daliri, inilagay sa paradahan ng mga bus at hinayaang malamigan!” mahabang litanya ni Imong na punong-puno ng takot ang mga mata.

“Hahaha! Aking apo, alin man sa iyong mga sinabi ay hindi nang-yari. Hindi kita ipinamigay sa elyen o taga-ibang planeta man. Ang iyong mga nakitang taong nakaberde ay doktor at mga nurse. Ang kwartong maliwang ay ang operating room at ang mga tunog na nadidinig mo ay ang mga aparatos, hindi mga bus na umaatras o pumaparada. Baka nakalimutan mo Imong kaya tayo narito? Nahulog ka sa hagdanan sa kalikutan mo. At inooperahan ka kagabi.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s